Hindi maaantala ang ikakasang Brigada Eskwela ng Department of Education sa mga eskwelahan sa Quezon City sa lunes, July 22.
Ito ay kahit pa kasabay ng Brigada Eskwela ang idaraos na State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa QC Journalists Forum, sinabi ni QC SDO Head Dr. Carleen Sevilla, na tuloy pa rin ang Brigada Eskwela launching sa QC kahit sa mga eskwelahang malapit sa Batasan Pambansa Complex.
Hindi naman kase aniya maaapektuhan ang mga magvvolunteer sa Brigada Eskwela ng SONA dahil kadalasan ay maaga naman ito ginagawa.
Karamihan din aniya sa mga nakikilahok sa Brigada ay nakatira sa komunidad na malapit sa eskwelahan.
Ang Brigada Eskwela ay ang taunang school maintenance program ng DepEd upang ihanda ang mga paaralan sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.
Samantala, nasa higit 448,000 naman ang estudyanteng inaasahang mageenroll sa QC para sa papasok na school year, mas mataas sa 437,000 na nagenroll noong nakaraang taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa