Nakumpleto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang comprehensive blueprint para sa NEXUS project, isang global effort para ikonek ang domestic instant payment system (IPS).
Sa inilabas na joint statement ngayong araw, ang BSP kasama ang Central Bank of Malaysia, Monetary Authority of Singapore, Bank of Thailand at Reserve Bank of India ay inansiyu ang pagkumpleto ng extensive blueprint para sa Phase Three of Project Nexus.
Ang project NEXUS ay isang prototype na dinevelop ng Bank for International Settlements (BIS) Innovation Hub Singapore Centre kasama ang Central Banks of Italy, Malaysia and Singapore upang maitatag ang payment system operators ng Eurosystem’s TARGET Instant Payment Settlement (TIPS), Malaysia’s Real-time Retail Payments Platform (RPP) and Singapore’s Fast and Secure Transfers (FAST).
Ang Phase 4 ng proyekto ay kung saan ang BSP at iba pang nasabing central bank ay isasama ng Reserve Bank of India sa kanilang IPS, o Unified Payments Interface (UPI), na tinaguriang pinakamalaking IPS sa buong mundo.
Dahil sa NEXUS project… inaasahang maikokonek ang may 1.7 billion katao sa iba’t ibang bahagi ng bansa magsagawa ng kanilang payment sa bawat isa ng walang hassle at pinadaling pamamaraan. | ulat ni Melany Valdoz Reyes