Patuloy pa ang degassing activity ng bulkang Taal sa Batangas.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala pa ng 11,745 tons ng volcanic sulfur dioxide (SO2) o gas emissions ang bulkan.
Nakalikha ito ng 1,200 metrong taas na malakas na pag singaw at napadpad sa bahagi ng Kanluran-Hilagang Kanluran ng Taal.
Dahil sa ipinapakita ng bulkan, asahan pa raw na mararanasan ng publiko ang
volcanic smog sa bahagi ng Taal.
Ayon pa sa PHIVOLCS, nagtala pa ang bulkan ang apat na volcanic earthquake kabilang ang tatlong volcanic tremors na tumagal ng ilang minuto. | ulat ni Rey Ferrer