Caloocan LGU, tumanggap ng bagong Mobile Laboratory Bus mula kay First Lady Liza Araneta-Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat ang Caloocan City local government kay First Lady Liza Araneta-Marcos matapos itong makatanggap ng bagong Mobile Laboratory Bus mula sa Unang Ginang.

Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, isa ito sa mga ipinangako ng Unang Ginang sa pamahalaang lungsod bilang suporta sa mga plano na ayusin ang healthcare system sa Caloocan.

Sa tulong ng naturang Mobile Laboratory Bus, makakapaghatid na ang LGU ng mga serbisyo tulad ng electrocardiogram (ECG), X-ray, ultrasound, blood chemistry, at urinalysis saan man sa Caloocan.

Kasunod nito, tiniyak naman ng alkalde ang patuloy na pagsusulong ng mga programa para sa kalusugan ng mga residente at gayundin ang pagpapalawak sa sakop ng mga libreng serbisyo-medikal sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us