Cebu Pacific patuloy sa pagsasaayos ng kanilang mga system kasunod ng naganap na global IT outage

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon sa CebPac, kanila nang nai-restore ang automated check-in, booking, at iba pa nilang system ngunit maaari makaranas pa rin sa kasalukuyan ng mga pagkaantala sa mga schedule ng flight.

Binigyang diin naman ng Cebu Pacific na kanilang prayoridad ang kaligtasan at kaginhawaan ng kanilang mga pasahero kaya payo nito sa mga ito na subaybayan ang status ng mga flight sa website at huwag pumunta sa paliparan kung mapag-alaman na kanselado na ito.

Makatatanggap naman ng email ang mga pasahero para sa mga option para sa libreng rebooking, travel refund, o full refund ng kanilang mga ticket.

Mayroon ding mga flexible rebooking at travel fund options para sa mga flight na naka-iskedyul hanggang Hulyo 21. Maaaring baguhin ng mga pasahero ang kanilang mga booking sa pamamagitan ng Manage Booking portal sa website ng Cebu Pacific.

Magbibigay din ng regular na update ang nasabing airline habang umuusad ang kasalukuyang sitwasyon.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang Cebu Pacific sa pasensya at pag-unawa ng kanilang mga pasahero.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us