Kinumpirma ni Education Secretary Sonny Angara na ibibigay na sa Lunes, July 29 ang ‘chalk allowance’ ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Secretary Angara, P5,000 ang halaga ng ‘chalk allowance’ na matatanggap ng bawat guro at ito ay tax-free sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taon.
Layon ng naturang allowance na makatulong na mapunan ang mga pangangailangan sa pagtuturo ng mga guro sa pagbabalik eskwela.
Nauna nang tiniyak ni Angara, na simula sa susunod na taon ay itataas na sa P10,000 ang chalk allowance ng mga guro sa pampublikong paaralan. | ulat ni Diane Lear