CHED, muling ginawaran ng ‘unqualified opinion’ ng COA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ikalawang sunod na taon, muling ginawaran ng Commission on Audit (COA) ang Commission on Higher Education (CHED) ng “unqualified opinion” sa financial statement nito na isinumite para sa fiscal year 2023.

Ang naturang Audit Rating ay ibinibigay ng COA sa isang ahensya ng gobyerno matapos makumpirma na ang financial statements ay naaayon sa naaangkop na financial reporting framework.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Secretary Popoy de Vera na ang pagkikilalang ito ay patunay ng patuloy na pagiging transparent at accountable ng Komisyon sa pagpapatupad at paghahatid ng mga programa at serbisyo.

Sa ngayon, pinapabuti na aniya ng CHED ang mga sistema ng dokumentasyon at account reporting mula sa mga higher education institutions (HEIs) gayundin ay nagpapatupad ang Komisyon ng mas mahigpit na proseso sa procurement para sa mga programa at proyekto nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us