China, dapat respetuhin at kilalanin ang deklarasyon ni PBBM ukol sa West Philippine Sea — solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dapat igalang at tanggapin na ng China ang pahayag ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na atin ang West Philippine Sea at mananatiling atin.

Ito ang inihayag ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez kasabay ng pagbibigay puri sa paggiit ng Pangulo na hindi isusuko at hindi susukuan ang West Philippine Sea.

“China should accept and respect the President’s unequivocal statement: that the West Philippine Sea is ours and will remain ours,” ani Rodriguez.

Para sa mambabatas, iginigiit lang ng Presidente ang ating karapatan sa naturang karagatan na nakabatay sa international law.

Kaya hindi maaaring ipagpilitan ng China na angkinin ang teritoryo na sa atin.

Inihalimbawa nito ang Ayungin Shoal sa Palawan at Scarborough Shoal sa Zambales na daang kilometro ang layo sa China at sakop ng ating Exclusive Economic Zone.

Kaya panahon nang igalang ng China ang paggiit ng Pilipinas para na rin sa kapayapaan, katatagan, at kaayusan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us