Chinese investment sa infra projects sa bansa, hindi tuluyang nawala – DOF

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bagamat maraming nakanselang Official Development Assistant (ODA) funding ang Tsina sa mga infrastructure project ng bansa matapos ang iba’t ibang isyu sa pagitan ng Pilipinas at China, sinabi ng Department of Finance (DOF) na mayroon pa ring ilang proyekto na kabilang sa Build Better More (BBM) program ng administrasyong Marcos ang pinondohan ng China. 

Sa Build Better More Infrastructure Forum sa New Clark City, ipinaliwanag ni Finance Undersecretary Romeo Tungpalan na ang Kaliwa dam project ay nananatiling China funded gayundin ang Samal island connector bridge. 

Pero sa kabila nito ay sinabi ng opisyal na hindi naman nakadepende ang Pilipinas sa iisang source pagdating sa financing,

Ayon naman kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na ang katunayan ay bukas ang Pilipinas sa kahit kaninong source pagdating sa pagpondo ng mga infra projects ng bansa, basta aniya magiging beneficial ito para sa Pilipinas at sa mga Pilipino. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us