Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Philippine National Police (PNP) para sa mabilis na imbestigasyon at pagresolba sa pagkamatay ng 19 anyos na maritime academy cadet sa Calamba, Laguna noong Hulyo 8.
Apela ng CHR na mabigyan ng hustisya ang pamilya ng namatay na si Cadet Vince Andrew delos Reyes.
Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, may ginagawa na ring sariling imbestigasyon o motu proprio ang CHR Regional Office 4 ukol dito.
Batay sa ulat, namatay si Delos Reyes matapos umanong parusahan sa pag-ehersisyo ng kanyang upperclass noong Lunes.
Dahil dito, naghayag ng matinding pagkondena at pagtuligsa ang komisyon laban sa karahasan sa mga mag-aaral.
Ang mga ganitong gawain ay hindi lamang nagdudulot ng panganib sa pisikal na kapakanan ng mag-aaral kundi lumalabag din sa kanilang dignidad at karapatan.| ulat ni Rey Ferrer