CICC at Scam Watch Pilipinas, hinikayat ang publiko na gamitin ang eGov app ng DICT para mag-report ng text scams

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ngayon ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Scam Watch Pilipinas sa publiko na gamitin ang eGov app ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para mag-report ng mga natatanggap na text scams.

Ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, bukod sa pagtawag sa Inter-Agency Response Center (I-ARC) Hotline 1326, ay maaari ring magsumbong ang mga nabibiktima ng text scams sa eReport feature na makikita sa eGov app.

Dito ia-upload ang screenshot ng natanggap na scam message.

Ang mga natatanggap na datos naman ng eGov app ay isinasailalim sa imbestigasyon ng CICC at pinapadala sa National Telecommunications Commission (NTC).

Bukod sa text scams, maaari ring isumbong sa naturang app ang mga insidente ng child abuse, red tape, sunog, at iba pa.

Una na ring sinabi ng CICC na maghahain ito ng reklamo laban sa mga telco na hindi namo-monitor ang mga unregistered SIM Cards at nagagamit ito pang-scam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us