Tanging mga security agencies na lang ang binigyan ng Confidential at Intelligence Fund sa ilalim ng 2025 National Expenditure program.
Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, mula sa P12.378-B ngayong 2024 national budget, sa panukalang 2025 budget ay bumaba ito sa P10.286-B o katumbas ng 16 percent na pagbaba.
P4.37-B dito ang confidential at P5.92-B naman ang intelligence expenses.
Nahahati naman ang naturang halaga sa P1.8 billion para sa Department of Nationa, Defense kung saan P1.70 billion ang para sa AFP; P991.2 million para sa National Intelligence Coordinating Agency; P806.03 million para sa PNP at P500 million para sa PDEA.
Mayroon din ang DJ na nahahati sa Office of the Secretary, Bureau of Immigration, NBI at Office of the Solicitor General na may kbuuang P589.4 million.
Mayroon ding CIF ang Department off Finance sa halagang P79.5 million para sa Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.
Binigyan rin ang Department of Transportation sa pamamgitan ng Office of the Transportation Security at Philippine Coast Guard ng P405 million.
Kasama rin sa pinaglaanan ng CIF ang iba pang executive offices, tulad ng AMLAC (P7.5 million), Games and Amusement Board (P4 million), National Security (Council) (P250 million) at OPAPRU o Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (P60 million)
Ang Commission on Audit ay pinagkalooban ng P10 million, Office of the Ombudsman, P51.4 million at Commission on Human Rights, P1 million sa ilalim ng CIF.
“If you’ll notice po, based on dun sa breakdown na binigay ko, sila lang po ‘yong pwedeng may confidential and intel fund, kaya din po siya bumaba ng 16 percent.” Ani Pangandaman. | ulat ni Kathleen Forbes