COMELE Chair Garcia, mahalagang maipaliwanag ang isyu sa pagkakaroon ng offshore accounts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ngayon ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang kahalagahan na mabigyang linaw ang umano’y pagkakaroon ng offshore account ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia upang maprotektahan ang kredibilidad ng nalalapit na 2025 mid-term elections.

Ani Dalipe, tiwala siyang kayang ipaliwanag ni Garcia ang isyu na inilabas ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta.

Wala pa aniyang resolusyon na inihahain si Marcoleta para imbestigahan ang isyu ngunit maaari namang magsagawa ng motu proprio inquiry ang Committee on Suffrage and Electoral Reforms, upang maalis ang mga pangamba at agam-agam sa magiging integridad ng nalalapit na eleksyon.

“Given the serious nature of the allegations made by Congressman Marcoleta against Chairman George Garcia, it is imperative that all the issues being raised against him and the reasons why these are being raised must be addressed, especially as we are now entering the election season,” sabi ni Dalipe.

Naniniwala rin si Dalipe, na tama ang ginawa ng pinuno ng poll body na lumagda sa isang waiver para buksan sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pag-iimbestiga sa sinasabing offshore account. niya.

“Personally, I think that Chairman Garcia did a good job in signing an absolute waiver for the AMLAC to investigate his alleged offshore accounts, but we still need to get to the bottom of this issue to remove all doubts about the COMELEC. This investigation will provide Chairman Garcia the opportunity to answer all accusations, thereby removing any doubts about his credibility and integrity,” sabi pa ni Dalipe.

Handa rin aniya ang Kamara na suportahan ang ano mang hakbang para sa isang patas na imbestigasyon upang maresolba ang naturang isyu para sa ikakapanatag at tiwala ng mga botante.

“As we approach the 2025 midterm elections, the integrity of the COMELEC must be beyond reproach. A transparent and thorough investigation will not only clear Chairman Garcia’s name but also reinforce the trust of the Filipino people in our electoral system,” saad pa ng House Majority Leader. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us