Lumagda ang Commission on Elections (Comelec) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa isang memorandum of agreement na layong mapabuti ang edukasyon ng mga botante sa pamamagitan ng pag-integrate ng voter education sa mga programa at kurso ng TESDA.
Sa seremonya, binigyang-diin ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang ilang makabagong hakbang na ginagawa ng komisyon para sa 2025 National and Local Elections, kabilang ang Early Voting Hours para sa mga senior citizen, Persons with Disability, at mga buntis; Internet Voting para sa mga botanteng nasa ibang bansa; Nationwide Mall Voting; at paggamit ng Automated Counting Machines.
Binanggit din ni Garcia ang pangangailangan ng sama-samang pagsisikap ng bansa sa proseso ng halalan.
Maliban sa MOA signing, nagsagawa din ng demonstration ng ACM sa kaparehong kaganapan na pinagunahan ng Comelec at ilang dumalong opisyal ng TESDA kabilang si TESDA Secretary Suharto Mangudadatu at iba pang matataas na opisyal mula sa parehong organisasyon. | ulat ni EJ Lazaro