Kikikos na rin ang Commission on Election para simulan ang sarili nilang imbestigasyon sa pagkatao ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, magsasagawa sila ng moto propio investigation upang ipagkumpara ang mga fingerprint ni Guo na hawak ng NBI at ng kanilang mga record sa voters list at certificate of Candidacy nito.
Sa inisyal nilang record, April 2021 ang kauna-unahang pagkakataon na nagpa-rehistro si Mayor Guo bilang isang botante.
Ito ay para maging legal ang one year residency niya sa Bamban Tarlac at makatakbo sa eleksyon.
Sakaling mag match daw ang hawak nilang record at record ng NBI ay maaari daw makasuhan ang Alkalde ng forgery.
Samantala, kinumpirma ni Garcia may sariling fingerprint expert ang Comelec na kanilang ginagamit sa mga election related cases.
Ito daw ang mangangasiwa sa gagawin nilang imbestigasyon kaugnay sa fingerprint ni Mayor Guo na hawak ng NBI at fingerprint na hawak naman ng Comelec. | ulat ni Michael Rogas