Nirerespesto ni incoming Education Secretary Sonny Angara ang desisyon ng mga undersecretaries at assistant secretaries ng ahensya na nagsumite ng courtesy resignation.
Ngayong araw, nagpasa na ng courtesy resignation sina Education Spokesperson at Undersecretary Atty. Michael Poa, Undersecretary for Administration Nolasco Mempin, Assistant Secretary ng Office of the Secretary Sunshine Fajarda, Assistant Secretary for Procurement Reynold Munsayac at Assistant Secretary for Administration Noel Baluyan.
Ito ay bago ang nakatakdang turnover sa bagong liderato ng ahensya sa pamumuno ni Angara.
Sa isang pahayag, sinabi ni Angara na nakahanda na siya sa bagong papel na haharapin niya simula sa Biyernes.
Anuman aniyang kinauukulang appointments ay iaanunsyo nila sa mga susunod na panahon lalo’t layon nilang masimulan agad ang trabaho at makapagpatupad agad ng mga programa para sa ahensya. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion