CSC, hinimok ang job seekers na samantalahin ang job portal ng ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles ang mga jobseeker na nais magtrabaho sa public sector na tuklasin ang mga oportunidad sa pamamagitan ng CSC Job Portal.

Binigyang-diin ni Nograles ang importansya ng portal sa pag-aalok sa mga aspiring government employee ng detalyadong impormasyon at mabilis na pag-access sa job openings sa loob ng public sector.

Sabi pa ng kalihim, ang CSC Job Portal ay isang madaling paraan upang makita ang mga bakanteng posisyon sa iba pang ahensya ng pamahalaan sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Obligado ang mga government agency, local government units, at state universities and colleges na  magsumite ng listahan ng authorized first, second, at third level vacant positions sa parehong electronic at printed formats sa concerned CSC Field Office .

Paalala pa ni Nograles, na ang lahat ng mga aplikasyon o katanungan ng trabaho ng mga job seekeer ay dapat idirekta sa kinauukulang ahensya. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us