DA, hihirit ng family food packs sa DSWD para sa mga mangingisda na apektado ng oil spill sa Bataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nais ni Secretary Tiu Laurel na mabigyan ng Family Food Packs ng DSWD ang mga mangingisda na naapektuhan ng oil spill sa Bataan at kalapit lugar.

Sa panig ng DA, tanging maibibigay lamang nila sa mga mangingisda sa ngayon ay ang fuel vouchers para makapangisda sa kalapit na fishing grounds.

Ito ay habang pinag-aaralan pa ang iba’t ibang tulong na ipapamahagi sa mga apektadong mangingisda.

Sinabi din ng kalihim, na bibigyan din sila ng dispersants para makatulong sa treatment ng tumagas na langis sa lumubog na M/T Terranova sa  Limay, Bataan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us