DA, inaasahang bababa na ang presyo ng gulay at kamatis sa linggong ito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na bababa na rin sa linggong ito ang presyo ng ilang mga gulay pati na ang kamatis.

Sa gitna ito ng patuloy na pagsipa ng presyo ng ilang gulay sa pamilihan pati na ang kamatis na naglalaro sa ₱140 hanggang ₱220 ang kada kilo.

Tumaas rin ang presyo ng carrots na nasa ₱100-₱180, talong na umaabot sa hanggang ₱120 ang kada kilo, at bell pepper na naglalaro sa ₱200-₱350.

Paliwanag ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, ang pagsipa ng presyo ng mga gulay ay bunsod ng na-delay na harvest sa ilang sakahan na bunsod naman ng El Niño at epekto ng bagyong Aghon.

Nakadagdag pa rito ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo na dumadagdag sa transportation cost ng mga magsasaka.

Sa kabila nito, sinabi ni Asec. De Mesa na magsisimula na rin ang harvest sa Southern Tagalog Region na inaasahang maghahatak na rin pababa ng presyo ng gulay sa mga susunod na araw.

Tiniyak rin ng opisyal na hindi pangmatagalan ang taas-presyo sa gulay dahil bumababa rin ito oras na dumami na muli ang suplay.

Una nang sinabi ng DA na maglalabas ito ng higit kalahating milyong pondo na assistance sa mga magsasaka kasama ang fuel subsidies. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us