Pinapayagan na ng Department of Agriculture ang pag-angkat ng manok at poultry products mula sa Japan.
Ito’y matapos alisin ng DA ang ban sa importation ng wild at domestic birds kabilang ang mga produkto ng manok sa nasabing bansa dahil sa bird flu.
Sa inilabas na kautusan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaari nang mag angkat ng day-old-chicks at hatching eggs ang bansa mula sa Japan.
Batay sa evaluation ng DA, nawala na ang panganib ng kontaminasyon mula sa pag-aangkat ng nasabing mga produkto.
Nauna nang iniulat ng Japan sa World Organization for Animal Health (WOAH) ang mga naunang kaso ng High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) ay nalutas na at wala nang karagdagang mga kasong naitala mula noong Hunyo 2, 2024. | ulat ni Rey Ferrer