Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang import ban sa mga wild at domestic birds mula sa Czech Republic.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kasunod ito ng deklarasyon na naresolba na ng bansa sa Europa ang avian influenza outbreak.
Una nang ipinatupad noong Marso ng DA ang temporary ban sa pag-angkat ng wild at domestic birds mula sa nasabing bansa, kabilang ang karne ng manok, itlog, mga sisiw at semilya, dahil sa outbreak ng highly pathogenic avian influenza.
Batay sa ulat ng Czech Republic sa World Organization for Animal Health, lahat ng impeksyon sa bird flu ay nalutas na at walang karagdagang outbreak na naiulat mula noong Mayo 8.| ulat ni Rey Ferrer