DA, naglabas ng guidelines para sa revised program sa hog breeding at productions

Facebook
Twitter
LinkedIn

May bagong guidelines na ang Department of Agriculture (DA) para matulungan ang industriya ng pagba-baboy na pinadapa ng epekto ng African Swine Fever (ASF) at mabawasan ang importasyon ng baboy.

Inaasahang papalitan ng Modified Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion, o Modified INSPIRE ang humigit-kumulang 60,000 metric tons o humigit-kumulang 10 porsiyento ng imported na baboy.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 28, ang bagong istratehiya ay nakatutok sa sow-weaner operations sa pamamagitan ng pagtatatag ng multiplier at production farm na gumagamit ng artificial insemination.

Ang mga benepisyaryo ay inaatasan na magpatibay ng modern climate-controlled systems or conventional facilities na sumusunod sa antas ng biosecurity 1.

Ang mga multiplier farm ay mamamahagi ng mga breeding stock sa mga miyembro, habang ang mga biik mula sa mga production farm ay ipapamahagi nang katulad o ibebenta sa mga rehistradong mamimili o malalaking kumpanya ng baboy.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na sa pamamagitan nito, mababawasan ang mga panganib sa ASF at mapanatili ang produksyon ng biik.

Magiging mahusay rin ang pagsubaybay ng mga kooperatiba at asosasyon ng mga magbababoy na pinangangasiwaan ng mga lokal na tanggapan ng Bureau of Animal Industry. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us