Binisita ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at delegasyon ng sektor ng agrikultura ang pinakamalaking fertilizer manufacturing company sa Vietnam.
Kasunod ito ng pakipag partner ng DA sa mga opisyal ng Binh Dien Fertilizer Joint Stock Company, ang leading producer ng pataba sa Vietnam.
Sinabi ni Secretary Laurel, bahagi ito ng aksyon ng kagawaran para tugunan ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pataasin ang lokal na produksyon ng produktong agrikultura para sa mga Pilipino.
Sabi ng kalihim, malaki ang pakinabang sa pakikipag-partner sa Binh Dien dahil sa kanilang advanced technology at mas malawak na expertise sa ngayon sa usapin ng agrikultura.
Sa inisyal na bahagi ng partnership deal, pumayag ang Binh Dien sa isang distribution agreement na maaaring humantong sa paglilipat ng teknolohiya pabor sa ating bansa na kalaunan ay ang pagtatayo ng kanilang manufacturing facility sa Pilipinas.
Ang Vietnam sa kasalukuyan ang major exporter na pinangggalingan ng suplay ng bigas sa ating bansa. | ulat ni Rey Ferrer