Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na dekalidad ang murang bigas na ibebenta sa ilalim ng Rice-for All-program.
Ito ay kasunod ng mga reklamong lumabas sa social media hinggil sa maitim at mabahong bigas na nabili ng ilang mamimili.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, well-milled na bigas na katulad ng mga ibinebenta sa palengke ang ilalatag nila sa programa.
Nilinaw rin niyang hindi pagpapa-pogi ang layunin ng programa, dahil matagal na umano itong plano na alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang bigas sa publiko.
Siniguro rin ni De Mesa na magpapatuloy ang P29 program para sa mga vulnerable sector. | ulat ni Diane Lear