Dagdag na pondo sa pagpapatayo ng mga classroom at pagbili ng dagdag na textbooks, pasok sa 2025 National Expenditure Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang P29.3 billion na pondo ang ilalaan para sa pagpapatayo ng Basic Education Facilities sa ilalim ng panukalang 2025 national budget.

Sa budget message ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sinabi niya na ang pondong ito ay gagamitin para sa pagpapatayo ng dagdag na 6,000 eskuwelahan sa buong bansa.

Kasama rin sa pinondohan ang pagtatatag ng 72 library hubs, 16 na inclusive learning resource centers for special needs education, at 333 priority school health facilities.

Pasok din sa budget na ito ang rehabilitasyon ng 9,435 class rooms.

Pagdating naman sa state universities and colleges (SUCs), P7.1 billion ang ipinapanukalang pondo parasa iba’t ibang infra project.

Para naman masiguro na walang mag-aaral ang mapag-iiwanan lalo na sa mga isolated at disadvantage areas, naglaan ng P3 billion para sa 200 paaralan sa ilalim ng Last Mile Schools program.

Maliban dito mayroon ding inilaang P12.4 billion pambili ng updated na learning materials para sa mga mag-aaral, bahagi ito ng 97.83 million na text books, instructional materials at iba pang learning resources.

Salig sa Saligang Batas, ang pinakamataas na budgetary allocation ay ilalaan sa sektor ng edukasyon. Para sa 2025, 15.4 percent ng P6.362 trillion na 2025 National Expenditure Program ang inilaan sa education sector. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us