Bangkay ng nawawalang beauty pageant contestant at boyfriend nito, natagpuan sa Tarlac

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuan na ang mga labi ng nawawalang beauty pageant contestant at boyfriend nito ang nahukay sa isang lugar sa Brgy. Sta Lucia, Capas, Tarlac City .

Kinukumpirma ni Secretary of the Interior and Local Government Benhur Abalos, at Philippine National Police Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na ang nawawalang si Geneva Lopez, 27, at Israeli boyfriend nito na si Yitshak Cohen, 37 ang nahukay na mga bangkay.

Ito’y matapos ang masusing imbestigasyon ng Special Investigation Task Group “GENESAAC.”

Nawala sina Lopez at Cohen sa Tarlac noong Hunyo 21 nang umalis sa kanilang tirahan sa Malabanias Village Angeles City.

Nakatakdang makipagtagpo sila sa isang middleman para makita ang 20.5-ektaryang agricultural lands na binili ng dating Mutya ng Pilipinas Pampanga contestant sa Armenia Village, Tarlac City.

Mula noon hindi na makontak sa kanilang mga mobile phone at social media ang dalawa.

Natagpuan namang nasusunog sa kahabaan ng Cojuangco Road sa Barangay Cristo Rey, sa bayan ng Capas ang ginamit nilang kulay silver na sasakyang Nissan Terra.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us