May kabuuang 30 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Sultan Kudarat ang handa nang maging agricultural entrepreneur.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Program Officer Sarah Lauban, sumailalim na sa 25-session ng Farm Business School (FBS) ang mga ARBs.
Nakatuon ito sa pagpapalakas at pagbibigay ng kakayahan sa mga ARBO upang tumaas ang kanilang mga kita.
Ang programa ng Department of Agrarian Reform ay nagpapahusay sa kanilang kakayahan sa agri-entrepreneurship at itinataguyod ang sama-samang pagsisikap sa pagbebenta ng mga ani ng mga magsasaka.
Kabilang sa 30 ARBs ay ang Kalanawi II Farmers Association na nagpapakita ng masidhing interes sa programa. | ulat ni Rey Ferrer