Dating accountant ni suspended Mayor Alice Guo, present sa pagdinig ng Senado ukol sa mga operasyon ng POGO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatuloy ang pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa operasyon ng mga Philippine offshore gaming operator (POGO) sa bansa.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Committee Chairperson Senator Risa Hontiveros na hindi pa nila maisara ang pagdinig na ito dahil hindi pa ganap na natutukoy kung sino-sino ang mga dapat na managot sa mga operasyon ng mga POGO, na nagdulot ng iba’t ibang krimen.

Present rin sa pagdinig ngayong araw si Atty. Harry Roque, na una nang pinangalanan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairperson Al Tengco na nakipag-usap sa kanya tungkol sa Lucky South 99 o Porac POGO hub.

Humarap rin sa pagdinig ang dating accountant ni suspended Mayor Alice Guo na si Nancy Gamo.

Siya lang, sa walong pinaaresto ng senado ang dumalo sa pagdinig.

Ayon kay Gamo, taong 2012 pa niya nakilala si Guo na noong mga panahong iyon ay negosyante pa lang.

Nilinaw rin ni Gamo, na freelance accountant siya at wala siyang employment o retainer engagement kay Mayor Alice.

Per project basis lang aniya siya at tinatawagan lang ni Mayor Alice kapag magpapatulong sa mga dokumento sa pagpaparehistro ng kanyang mga negosyo.

Ang huling kita aniya nila ay noon pang 2017 at aminado siyang siya ang naglakad ng incorporator letter ng Zun Yuan (Bamban POGO) pero prinoseso niya ito sa legal na paraan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us