Dating health secretary, malamig sa planong palitan ang pangalan ng DOH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, hindi na kailangan pang palitan ang pangalan ng Department of Health (DOH).

Kasunod ito ng pahayag ni DOH Secretary Ted Herbosa na inaaral nila ngayon na gawing Department of Health and Wellness ang DOH, at tawaging Chief Wellness Officer ang Secretary of Health.

Sabi ni Garin, mas maraming malaking problema ang DOH na dapat pagtuunan ng pansin.

“Well, honestly, it will not make any difference eh. Mas maraming malalaking problema ang DOH na dapat pagtuunan because wellness is actually part of health. Wellness is part of health. So, changing the name can be okay but it will not really make a difference,” sabi ni Garin.

Hindi rin aniya praktikal ang plano na ito.

Punto niya kakailanganin pang magpalit ng logo mula sa central office hanggang sa pinakamababang unit ng ospital na dagdag gastos lamang.

Wala naman aniyang magiging problema ang pagpapalit ng pangalan kung magkakaroon ito ng malaking impact sa pagtugon sa public health. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us