Dating Presidential Adviser na si Michael Yang, ipina-contempt ng Dangerous Drugs Committee ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyan nang ipina-contempt ng House Committee on Dangerous Drugs ang businessman at dating Presidential Adviser noong Duterte administration na si Michael Yang.

Ang mosyon ay inihain ni Antipolo Representative Romeo Acop bunsod na rin ng hindi pagharap ni Yang sa pagdinig ng komite sa kabila ng makailang ulit na imbitasyon at ipinadalang subpoena.

Tinukoy ni Surigao del Norte Representative Robert Ace
Barbers ang Section 11 Paragraaph A ng kanilang rules kung saan maaaring i-cite in contempt sa pamamagitan ng two-thrids vote ng mga miyembro ang resource person na paulit-ulit na hindi dumadalo sa pagdinig na walang legal excuse.

“…Citing the violation committed by Mr. Michael Yang on Section 11, Paragraph A, Refusal without legal excuse to obey summons and invitation. There is a motion to cite Mr. Michael Young in contempt. And duly seconded. Hearing no objection, the committee is now citing in contempt Mr. Michael Yang,” paglalahad ni Barbers.

Dahil naman dito, pina-aaresto na rin si Yang at pinatawan ng 30 araw na detention sa Bicutan City Jail.

Inimbitahan ng Komite si Yang upang bigyang linaw ang kaugnayan niya sa tatlong bilyong pisong halaga ng iligal na droga na nasabat Mexico, Pampanga noong nakaraang taon.

Partikular dito ang kaugnayan niya sa may-ari ng Empire 999 na kompanyang may-ari sa warehouse kung saan natuklasan ang droga at iba pang korporasyon na konektado dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us