Nanumpa na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Senador Sonny Angara bilang bagong Education Secretary.
Ginawa ang oath-taking ceremony kahapon sa palasyo ng Malacañang.
Sinabi ng Pangulo na bago ang ginawang panunumpa ay nakapag-usap muna sila ni Secretary Angara at kanilang natalakay ang mga bagay na dapat gawin sa Kagawaran.
At kung ano man ang dapat gawin sabi ng Pangulo ay tiwala siyang alam ni Angara ang gagawin para sa Education Department.
Sa panig naman ni Angara ay nagpasalamat ito kay Pangulong Marcos partikular sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para pangasiwaaan ang aniya’y isang napakahalagang Kagawaran. | ulat ni Alvin Baltazar