DBM, naniniwalang bibilis ang paglago ng bansa oras na maging fully digitized ang proseso sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Oras at pera ang nawawala sa pamahalaan habang hindi pa digitized ang proseso ng burukrasya sa bansa. 

Ito ang tinuran ng Department of Budget and Management (DBM) sa ikalawang araw ng Build Better More Infrastructure Forum sa New Clark City, Tarlac. 

Paliwanag ni DBM Assistant Secretary Romeo Balanquit, nais itong solusyunan ng kanilang ahensya ngayong administrasyon. 

Naniniwala si Balanquit, na malaki at mabilis ang ika uunlad ng bansa sa oras na maging fully digitalized ang mga proseso sa pamahalaan.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us