Pormal nang nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara ang memorandum na nagpapaliban sa pagpapatupad ng Results-Based Performance Management System (RPMS)para sa lahat ng mga kawani ng paaralan sa School Year 2024-2025.
Ang RPMS ng DepEd ay isang sistema ng pagsusuri ng pagganap ng mga guro at school heads sa kanilang trabaho na layong mapabuti ang kalidad ng edukasyon.
Kasabay nito, pinalawig din ang deadline ng pagsusumite ng performance ratings para sa School Year 2023-2024 hanggang sa Setyembre.
Ayon kay Angara, layon nitong matutukan ng mga guro at kawani ng paaralan ang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Aniya, ang reklamo ng mga guro ay nakakasabay ang RPMS sa pagbubukas ng pasukan dahil sa dami ng kailangang documentation.
Samantala, inatasan naman ni Angara ang Executive Committee ng DepEd na bumuo ng Task Force na magsusuri at mag-aaral sa implementasyon ng RPMS sa mga paaralan.| ulat ni Diane Lear