Nasa Saudi Arabia na ang delegasyon ng Department of Migrant Workers (DMW) upang asikasuhin ang pagkuha ng mga benepisyo ng mga overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan ng pagsasara ng ilang kumpanya sa nasabing bansa.
Sinalubong ang delegasyon ng DMW ni Philippine Consul General to Jeddah Edgar Tomas Auxilian.
Habang nauna namang dumating si Migrant Workers Undersecretary Bernard Olalia, at susunod naman si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.
Tinatayang nasa 1,500 na mga manggagawang Pilipino ang nag-claim na ng kanilang mga benepisyo mula sa mga nagsarang kumpanya.
Una nang tiniyak ng gobyerno ng Saudi na may nakalaang pondo para sa back wages ng mga OFW.
Matatandaang taong 2015 pa nang magdeklara ng bankruptcy ang ilang construction company sa Saudi Arabia. | ulat ni Diane Lear