Puspusan na ang paghahanda ng Department of Education (DepEd) para sa maayos na pagsasalin ng tungkulin kay Senator Sonny Angara bilang bagong kalihim ng kagawaran.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, nakatakda ang pormal na turnover ceremony ni outgoing Education Secretary Vice President Sara Duterte sa July 18.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Poa na nagkaroon na ng inisyal na pagpupulong kasama si Sen. Angara upang bigyan siya ng overview ng mga programa at proyekto ng DepEd.
Tinalakay din ang mga nagawa ng kagawaran sa nakalipas na dalawang taon at ang mga dapat asahan sa pagbubukas ng klase.
Samantala, isinasapinal na rin ng DepEd ang “transition report” na ibibigay kay Sen. Angara ngayong linggo.| ulat ni Diane Lear