Desisyon kung dadalo o hindi sa SONA, karapatan ng bawat opisyal – Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na dapat igalang ang karapatan ng bawat public official kung sila ay dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ng Presidente o hindi.

Ito ang sinabi ng House leader kasunod ng pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.

Pero pagbibigay diin ni Romualdez na isang mahalagang okasyon ang SONA para ipakita ang pagkakaisa at kolaborasyon sa pagitan ng mga lider ng pamahalaan, upang pagnilayan ang mga nakamit na progreso, tugunan ang mga hamon, at maglatag ng hangarin para sa hinaharap.

“Every public official has the prerogative to decide on their attendance at significant events. However, the State of the Nation Address (SONA) is a crucial moment for unity and collaboration among our nation’s leaders. It is a time to reflect on our progress, address challenges, and outline our vision for the future.” sabi ni Romualdez

Pagtiyak naman ni Speaker Romualdez, na nananatiling committed ang Kamara na makipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang masiguro na makamit ang hangarin ng adminsitrasyong Marcos na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.

“Our constituents deserve to see their leaders united and focused on the collective good. Despite the Vice President’s absence, the House of Representatives remains committed to working with all branches of government to ensure that President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.’s SONA reflects our collective efforts to improve the lives of Filipinos. Unity and collaboration will continue to guide us forward.” saad pa ng House Speaker | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us