Desisyon ni DTI Pascual na bumalik na sa pribadong sektor, niri-respeto ng Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad na hahanap ng kapalit ang pamahalaan para sa babakantehing pwesto ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual, upang masiguro na magiging maayos ang transition at magpapatuloy lamang ang mandato ng Department of Trade and Industry (DTI).

“The Presidential Communications Office announces the resignation of Secretary Fred Pascual from the Department of Trade and Industry (DTI), effective August 2, 2024, as he transitions back to the private sector.” —PCO.

Ito ang siniguro ng Presidential Communications Office (PCO), kasunod ng anunsyo na tinanggap na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibitiw ng kalihim, na magiging epektibo sa ika-2 ng Agosto, sa harap ng pagbabalik sa pribadong sektor ng kalihim.

Ayon sa Palasyo, kinilala ng Pangulo ang serbisyo ni Secretary Pascual partikular sa pag gabay nito sa restoration at transpormasyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

“President Marcos Jr. met with Secretary Pascual at Malacañan Palace to accept his resignation and acknowledge his invaluable service in guiding the restoration and transformation of the Philippine economy.” —PCO.

Naiintindihan rin aniya ng Pangulo, na napapanahon ang pagbabalik nito sa pribadong sektor.

“His focus on MSMEs was absolutely correct, and we are beginning to see the fruits of that policy. We are sorry to lose him, but we respect his decision that this is the time for him to return to the private sector,” said President Marcos Jr.

Nakalulungkot ayon sa Palasyo ang pagbibitiw ng kalihim sa pwesto, ngunit sisigurhuhin aniya ng pamahalaan, ang pagpapatuloy ng inisyatibo ng tanggapan.

“The search for a successor will commence immediately to ensure a seamless transition and continuity in the Department’s initiatives.” —PCO. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us