Bukas ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na makipagtulungan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Human Settlements and Development (MHSD) para sa pagsasaayos ng pabahay sa rehiyon.
Tinalakay ito sa courtesy visit ng nga kinatawan ng MHSD kay DHUSD Undersecretary Henry Yap.
Sa naturang pulong, napagkasunduan ang kolaborasyon ng dalawang ahensya sa usapin ng land use plan formulation.
Tinalakay rin ang posibleng pag-capacitate sa regional planners, at ang paglulunsad ng PLANADO (Plan and Do) Program sa BARMM.
Layon nitong mapatatag ang kapasidad ng bawat LGUs sa proseso ng land use at urban development. | ulat ni Merry Ann Bastasa