DHSUD at key shelter agencies, namahagi ng tulong sa mga apektado ng habagat sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), katuwang ang key shelter agencies (KSAs), sa mga residente ng Metro Manila na naapektuhan ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina.

Sa direktiba ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, pinangunahan nina DHSUD Undersecretaries Avelino Tolentino III at Randy Escolango, at Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang serye ng relief operations na isinagawa sa Parola Compound sa Manila, at Bagong Silangan, Quezon City.

Namahagi ang mga ito ng housing necessities gaya ng sleeping mat, flashlight, mga kumot, at ilang kitchen utensils para sa mga apektadong residente na nananatili pa sa evacuation centers.

Ang Social Housing Finance Corporation ay namahagi rin ng relief packs sa homeowners associations na apektado ng mga pagbaha habang ang National Home Mortgage Finance Corporation ay naghanda rin ng hygiene kits para sa mga apektadong pamilya.

Ayon kay Sec. Acuzar, tuloy-tuloy ang DHSUD at ang KSAs sa paghahanap ng paraan upang matulungan ang mga pamilyang apektado ng nakaraang bagyo.

“Ang bilin ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay ibigay ang lahat ng tulong sa mga napinsala, ‘yan po ang ating gagawin sa mga susunod pang mga araw,” aniya.

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy na ang koordinasyon ng DHSUD Regional Offices sa mga apektadong lugar para sa pagproseso ng cash assistance sa ilalim ng Integrated Disaster Shelter Assistance Program ng ahensya.

Una nang iniutos si DHSUD Sec. Acuzar ang pagbibigay ng isang buwang moratorium sa monthly amortizations ng mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DHSUD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us