Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Manila Electric Company (Meralco) sa pagbuo ng power infrastructures para sa mahusay na electric services sa mga pabahay project sites ng pamahalaan.
Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at MERALCO Executive Vice President at Chief Operations Officer Ronnie Aperocho para sa partnership.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Secretary Acuzar ang pagtatayo ng abot-kaya at de kalidad na pabahay.
Hangad ng 4PH na pahusayin ang pamumuhay ng mga mahihirap na pinoy, sa pamamagitan ng pagbibigay ng disenteng tirahan na kumpleto sa mga pangunahing serbisyo.
Sa panig ng Meralco, ipinangako nito ang serbisyo para ganap masuportahan ang ongoing rollout ng 4PH Program sa National Capital Region at kalapit lugar.
Nangako rin ito na turuan at ipaalam sa mga bagong homeowners ang kanilang mga karapatan at obligasyon bilang mga electric consumer.
Malinaw ang utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatag ng mauunlad at sustainable township developments para sa Bagong Pilipinas. | ulat ni EJ Lazaro