DHSUD, inatasan ang shelter agencies na magbigay ng moratorium sa housing monthly amortizations

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Key Shelter Agencies (KSAs) na magpatupad ng moratorium sa monthly payments ng kanilang benepisyaryo na naapektuhan ng Bagyong Carina.

Sa kanyang Memorandum, inatasan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund, National Housing Authority, Social Housing Finance Corporation at ang National Home Mortgage Finance Corporation na bigyan ng isang buwang moratorium sa bayarin ang mga benepisyaryo.

Ang hakbang ng DHSUD ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyan ng kinakailangang tulong ang mga pamilya.

Bukod sa moratorium, inihahanda na rin ng Social Housing Finance Corporation ang 9,132 relief packs para ipamahagi sa mga apektadong  pamilya sa kanilang project sites.

Una nang inanunsyo ng Pag-IBIG Fund ang paglalaan ng ₱3 billion na calamity loans para sa mga miyembro.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us