Tuloy ang larga ng iba’t ibang mga proyektong pang-imprastraktura sa sektor ng transportasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isinagawang Build Better More Infra Forum ng PCO, ibinahagi ni DOTr Usec. Timothy John Batan ang update sa ilang key projects ng ahensya sa aviation, maritime, railway at road transportation sector.
Kabilang dito ang NAIA PPP project na target palawakin sa iba pang regional airports sa bansa.
Tuloy din ang plano sa New Cebu International Container Port na isa sa mga major investment ng pamahalaan sa port infrastructure at Marikina-Pasig-Laguna ferry system project.
Nakahilera na rin aniya ang mga railway at road projects gaya ng Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway project, MRT4 at ang LRT1 Cavite Extension Project na operational sa katapusan ng taon.
Ayon kay Usec. Batan, bukod sa pagpapalawak ng infra transport projects, nakatutok rin ang kagawaran sa pagpapahusay ng mga proyekto na mapapakinabangan hanggang sa mga susunod na administrasyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa