Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nasa tamang direksyon ang pamahalaan sa pagtataguyod ng isang mas mapayapa, mas matatag, at mas maunlad na Bangsamoro Region.
“I am confident that we are on the right path to building a more peaceful, stable and prosperous Bangsamoro Region, as we find a responsive solution to the remaining issues and concerns that still need to be addressed.” – Pangulong Marcos Jr.
Ito ayon sa Pangulo ay kasunod ng turn over ceremony ng ikatlong Intergovernmental Relations Body (IGRB) progress report, na ginanap sa Malacañang, ngayong araw (July 31).
“These peace and development milestones are part of our collective efforts to lay the groundwork for effective governance and meaningful autonomy in BARMM.” – Pangulong Marcos
Layon ng IGRB na masiguro ang koordinasyon at iresolba ang mga usapin sa pagitan ng National Government at BARMM Government, sa pamamagitan ng regular na konsultasyon at negosasyon.
Kumpiyansa rin si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng IGRB ang paggampan sa mandato nito.
“I am confident that the IGRB shall continue performing and executing its mandate pursuant to the principle and provisions of the Bangsamoro Organic Law.” -Pangulong Marcos.
Kabilang na dito ang pag-maximize sa mga nabuo nang mekanismo upang matukoy at matugunan ang mga issue, na sisiguro sa angkop na paggamit ng resources.
Kabilang na rin ang paggamit ng best governance practice para sa BARMM.
“Maximize established mechanisms as a conduit for identifying and resolving issues ensuring judicious use of resources and learning about best governance practice for BARMM.” – Pangulong Marcos
Maging ang pagsisiguro at pagpapatuloy ng progresong natamo na ng pamahalaan para sa Bangsamoro, kahit sino pa ang maupong politiko sa pwesto, na mahalaga, ayon sa Pangulo.
“I reaffirm once again, the national government’s unwavering commitment to helping and assisting the Bangsamoror Government in all of its endeavors as we continue with important process for, not for, not only for Muslim Mindanao, not only for the southern Philippines but for the entire republic.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan