Disaster response ng pamahalaan, mas responsive sa ilalim ng Marcos Administration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas ispesipiko at mas angkop ang isinasagawang pagtugon ng Marcos Administration sa mga nagiging biktima ng kalamidad at iba pang sakuna sa bansa.

Sa Post SONA Forum (July 23), inilatag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang ilan sa mga capacity building na ginawa ng kanilang tanggapan sa nakalipas na taon, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhing mapaaabutan ng tulong ang mga magiging biktima ng ano mang sakuna.

“We wanna make sure that using the data provided by DENR and PAGASA and Phivolcs, we can ascertain kung nasaan namin dapat ilalagay iyong mga evacuation center and kung ilan iyong nag-evacuate doon at makakasagot tayo nang mabilis by sending the proper response.” —Sec Gatchalian.

Ayon sa kalihim, bukod sa higit 100 evacuation centers na ipinatayo nationwide at sa mga warehouse na may P2 milllion na halaga ng stand by family food packs, mayroon silang Disaster Command Center kung saan nagiging mabilis at detalyado ang pasok ng datos.

Dahil dito, ang ipinadadala aniyang tulong ng pamahalaan sa isang partikular na evacuation center ay hindi lamang para sa kabuuan bagkus mayroong mga partikular na pangangailangan na ibinababa ang national government, base sa isinagawang profiling sa evacuees. Halimbawa kung ilan ang senior citizen, lactating at pregnant woman, at bata ang nagsilikas, at ano ang dapat ibigay sa mga ito. 

“DSWD kasi is in charge of protecting the marginalized, the poor and the vulnerable. Gone are the days na you go to an evacuation center and the response is one size fits all. Because of the disaster response command center, we are able to send appropriated intervention for different sectors. When we get the data, they’re disaggregated – meaning, ilang senior citizen, ilang bata, ilang pregnant and lactating women – so that we know how to respond to the needs of these vulnerable sectors kasi sila iyong mandate ng DSWD.” —Secretary Gatchalian. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us