Panahon nang baguhin ang disenyo ng mga flood control project ng bansa ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian, na base sa kanyang obserbasyon ang nangyaring malawakang pagbaha sa Metro Manila ay dulot ng sobrang pag-ulan, high tide at tubig mula sa mga dam at upstream.
Dahil dito, dapat na aniyang baguhin at iayon ang disenyo ng flood control projects sa mabilis na urbanisasyon at ang tumataas na populasyon sa Metro Manila.
Kailangan aniyang lakihan ang mga drainage system, tiyaking walang bara at isailalim sa dredging ang waterways, at dapat maayos ang koordinasyon sa dam management.
Napuna rin ng senador, na hindi nabalaan ng mas maaga ng PAGASA ang mga lokal na pamahalaan kaya hindi napalikas ng mas maaga ang kanilang constituents, dahilan para ma-trap sila sa kanilang mga tahanan. | ulat ni Nimfa Asuncion