Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ito’y matapos kumpirmahin ng DMW ang naging pag-take ng ransomware sa kanilang online system.
Sa abiso ng DMW sa kanilang Facebook page, sinabi nito na nagpatupad na sila ng temporary shutdown sa kanilang sistema bilang bahagi ng pre-emptive measures o pag-iingat.
Puspusan na ang ginagawang hakbang ng kagawaran para protektahan ang datos ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) at maibalik ang kanilang online system sa lalong madaling panahon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa Bureau of Immigration (BI) upang hindi maapektuhan ang biyahe ng mga papaalis na OFWs.
Pagtitiyak naman ng DMW na sa kabilang nangyaring ransomware attack, walang nakompromisong datos ng mga OFW sa kanilang sistema. | ulat ni Jaymark Dagala