DND, dumistansya sa naging kasunduan ng Pilipinas at China sa pagpapatupad ng Rotation & Re-supply mission sa BRP Sierra Madre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay pa ng Department of National Defense (DND) ang detalyadong ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa naging kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ito’y may kaugnayan sa pagsasagawa ng Rotation & Re-supply (RoRe) mission sa mga sundalong nakahimpil sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sa panayam ng Defense Press Corps (DPC) kay Defense Spokesperson, Director Arsenio Andolong, may mga bagay silang nais munang linawin sa DFA hinggil dito.

Gayunman, sinabi ni Andolong na ipinauubaya na nila sa National Maritime Council ang anumang komento tungkol sa usapin dahil ito ang may poder hinggil dito.

Giit pa ni Andolong, iisa lamang ang layunin ng mga nasabing pag-uusap at ito ay para pahupain ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa upang panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Bagay na binigyang-diin naman mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kahapon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us