Inanunsiyo ngayon ni Finance Secretary Ralph Recto na handa nilang i-tap ang US$500 million standby funds para pondohan ang relief at rehabilitation ng mga lugar na lubos na apektado ng bagyong Carina.
Ayon kay Recto, ang naturang standby credit line ay maaaring agarang i-withdraw at ilabas kapag nagdeklara na ng state of calamity ang Pangulo.
Sa pamamagitan ng naturang pondo, bibigyan daan ang paghahatid ng critical services gaya ng healthcare, shelter at pagkain sa mga nasalanta ng bagyo, at labis na pagbaha.
Maaari rin aniyang gamitin ang pondo sa post disaster emergency response, recovery and reconstruction efforts.
Ang Philippine Disaster Risk Management (PDRM) at Climate Development Policy Loan (DPL) ng World Bank na may Catastrophe-Deferred Drawdown option ay nagbibigay sa gobyerno ng agarang access sa mga pondo, sa panganib na dulot ng climate change, natural calamities at disease outbreaks. | ulat ni Melany Valdoz Reyes