Target ng Department of Finance (DOF) na doblehin ang collection ng non-tax revenues ngayong taon 2024.
Base sa datos ng Bureau of Treasury, tumaas ang non-tax revenue ng 64.5 percent at inaasahang makakamit ang ₱400-billion target bago matapos ang taon.
Sa 2024 post SONA briefing, sinabi ni Recto na kumpiyansa siya na kayang makamit ng gobyerno ang target revenue na nagkakahalaga ng ₱4.25-trillion mula sa tax at non-tax revenues.
Kabilang sa pinagmumulan ng non tax revenues ang mga dibidendo ng Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), privatization ng mga government assets at kita mula sa National Treasury.
Ginawa ng kalihim ang pahayag bilang suporta sa statement ng Pangulo sa kanyang SONA na sa ngayon nanatiling malakas at episyente ang financial system ng bansa dahil sa tax at non-tax revenue koleksyon.
Pinagmalaki rin ng kalihim na sa unang bahagi ng taon nasa ₱2.13-trillion na ang koleksyon mas mataas sa ₱1.86-trillion sa parehas na mga buwan noong 2023. | ulat ni Melany Valdoz Reyes