DOH, tiniyak ang commitment ng Marcos administration sa kapakanan ng mga lokal at dayuhang turista sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagagalak ni Health Secretary Ted Herbosa na maging bahagi ng kauna-unahang Tourist First Aid Facilities sa bansa.

Ayon kay Herbosa, ang naturang inisyatiba na nagmula sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay isang malaking hakbang patungo sa commitment ng Department of Health (DOH) na palakasin ang well being ng lokal at mga dayuhang turista.

Dagdag pa ni Herbosa na bahagi ng trabaho ng kanilang ahensya na siguruhing mayroong access ang mga turista sa medical assistance.

Paliwanag ng kalihim na ang nasabing pasilidad ay hindi lang magtitiyak sa seguridad ng mga turista kundi malaking tulong para sa health tourism objective ng bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco

📸: DOT

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us